Youdiehard Video Archive


The world is a dangerous place to live, not because of the people who are evil, but because of the people who do not do anything about it. When good people in any country cease their vigilance and struggle, then evil men prevail.

LinksArchiveInfoVideosContact


"Non sibi sed suis"
>:(

Friday, August 03, 2007

A Ride in The Hover Bus

Gusto kong ishare sa inyo ang mga experience ko sa pagcocommute sa Metromanila.

Two weeks ago. Sinamahan ko ang isang binibining koreana palabas ng unibersidad patungo sa isang gusaling nagngangalang "Esem". Huwag nyo nang itanong kung paano nagsimula ang lahat. Subalit hindi ko inaakalang hindi lang sa paghatid sa "Esem" mauuwi ang lahat. Hindi siya kuntento sa naturang "Esem" kaya minabuti kong dalhin siya sa tinatawag na "Megamol". Hirap ko siyang intindihin sapagkat ako ay tagalog ang salita at siya ay korean. Gusto raw nya masubukan ang Bus para kapag magisa na lang nya hindi na siya maloloko ulit ng mga taxi. Kaya kapag kayo ang niloko ireport nyo sa 0921-4487777. Madaling makita ng mga Kunduktor ng bus at mga drivers ng taxi kung sino ang tatanga tanga pero effective daw ang number na yan. Gusto raw niyang sumakay sa non-aircon bus. Tinanong ko siya ng paulit ulit, "Are you sure?" Sinabi ko rin sa kanya kung paano ang mga "ordinary" bus lalo na kapag gabi na. Exciting daw dahil sabi ko mabilis na parang roller coaster. Sige payag siya, pagkalipas ng ilang sandali nakasakay na kami. Sa umpisa sa malapit kami sa pintuan umupo (dahil ang nasakyan naming bus ay nasa gitna ang pinto.) Sa pintuan may nakasulat na "Magingat sa mandurukot nasa pintuan lang sila". Baka mandurukot ang Kundoktor dahil nasa pinto siya. Totoo yun ang mga mandurukot ng cellphone at wallet ay nanghaharang sa pintuan.

Lumipat kami dahil tingin ng tingin ang mga tao sa puting legs niya dahil nakaminiskirt lang siya. Pangatlo pa lang siya sa buong history na koreanang nakaminiskirt na sumakay ng ordinary bus sa Pilipinas. Lumipat kami sa harap na harap kung saan halos nakadikit na ang ilong mo sa bus, kitang kita mo ang daan. Pag akyat ng bus sa bandang GMA-Kamuning Flyover tumatalon na sa sobrang bilis! Tumatalon talon na parang lumulutang na sa ere ang bus. Daig pa ang movie na SPEED! Parang karera! Nasa 70kph na yata sa bilis! Konting mali lang siguradong mahuhulog ang bus sa tulay o may mamamatay talagang tao. Sumigaw siya #@$%#%@ di ko maintindihan, samantalang ako tuwang tuwa! DEATH HERE I COME!!! Natakot ang koreana kaya bumaba na kami at nagtaxi papuntang "Megamol".

Kinabukasan, ganun ulit sumakay na ako ulit ng bus na ordinary papunta naman sa West Ave., mabilis pa rin sila na parang natatae na at di mapigilan. Ang bus na ordinary hindi pa nagbababa sa mga pumapara magpapanggap na di ka narinig pag pumara ka, pero sa akin di yun nangyayari dahil babatukan ko talaga ng SOLID ang driver pag ginawa sa akin yun. Ginagawa nila yun para sakto na lang ang hinto nila sa mga mataong lugar na posibleng may sumakay. Magtatawag pa rin sila kahit punong puno na ang bus. Mayaman ka ba? Sumukan mo minsan! Ako kasi hindi ako namimili, sumasakay ako ng Tren (LRT 1,2 at MRT), Ferry, Jeep, Tricycle, atbp. Sa ordinary madalas kang makarinig ng "Manong bakit kahapon ang binayad ko 15 lang? Bakit 20 na ngayon" sasabihin ng kundoktor "Ganyan talaga". Ganyan talaga kasi mukha kang tatanga tanga kaya niloloko ka. Sa bus, kapag may natutulog at nakabukaka di ka na makaupo ng mabuti lagyan mo ng karayom ang bag mo at kunwari idikit mo sa tuhod nya. hahaha.. mga bwiset kasi.


kung gusto nyong malaman kung anong nangyari sa koreana, wala... di na ako kinausap ulit.






Nothing happens to any man that he is not formed by nature to bear.