Youdiehard Video Archive


The world is a dangerous place to live, not because of the people who are evil, but because of the people who do not do anything about it. When good people in any country cease their vigilance and struggle, then evil men prevail.

LinksArchiveInfoVideosContact


"Non sibi sed suis"
>:(

Monday, July 23, 2007

T-Shirts from Hell



“Property of My Boyfriend T-Shirt” So what? Anong paki ko? Naiinis ako dun sa mga babaeng ang kakapal ng mukhang magsuot ng mga nakakainsultong mga tatak sa t-shirts nila. Ano ngayon kung property ka ng Boyfriend mo? Pangit pa rin ang boyfriend mo, kahit na may nakasulat pang ganyan sa T-shirt mo pangit pa rin siya at wala kaming paki-alam kung malaki ang muscles nya. Wala naman akong balak ligawan ka, ni hindi man lang sumayad sa isipan kong type kita. Hindi porke pwersado kang pinagsuot ng T-Shirt na ganyan ng boyfriend mo, gwapo na sya, hindi ganun yun. Pangit pa rin ang Boyfriend mo tanga. Kahit maganda ka pa at ang boyfriend mo ay pangit, wala nang pag-asang pumogi yan kahit ano pa ang t-shirt na suotin mo. Sorry pero pangit talaga ang boyfriend mo eh, pinapahiya mo lang sarili mo sa kasu-suot ng ganyang t-shirt.


“No Boys Allowed” Maraming ganitong klaseng T-Shirt. May mga kahawig pa yan tulad ng: “I’m already taken”, “Sorry I’m not single”, “He’s my Romeo not you”, “I have a boyfriend”, “My boyfriend is a martial arts expert”, “Stop staring dickhead!”, “I’m married”, “You can look but you can’t touch”, “Shoo you’re too close”, “I don’t give my number to losers”, “Angel face”…at marami pang iba. Sana pakiusap magsuot lang kayo ng ganyan kapag at least 10 random guys pumayag na may karapatan nga kayong magsuot ng ganyang t-shirt. Nasa MRT kasi ako minsan may nakasakay akong babaeng may suot na “Sorry, seloso ang boyfriend ko. Please keep your distance” sa t-shirt nya. What can you expect? Siksikan sa MRT, pag napadikit ka sa kanya kala nya may gusto ka na sa kanya? Ganun ba yun? Minsan nagigising pa ako sa kalagitnaan ng gabi naiisip ko yun. Bakit may mga babaeng super pangit na nagagawang magsuot ng T-Shirt na di para sa kanila??? BAKIT??? Nakakainsulto eh… Kapag di sinasadyang nasulyapan mo sila dahil nabasa mo ang nakasulat sa t-shirt, feeling nila isa ka sa mga patay na patay sa kapangitan nila. Ang babaduy nyo mga gago! Ikiskis nyo na lang ang mga mukha nyo sa semento matutuwa pa kami. Tingin ko kahit na ang nakasulat pa dyan ay “Please, I need boys…” wala pa ring lalapit sa inyo eh. Siguro nga sinuot nyo lang yan para at least isipin ng tao na kaya walang lumalapit sa inyo dahil ayaw nyo, hindi dahil sa pangit kayo which is not true dahil kaya ayaw kayong lapitan dahil di kayo kanais nais lapitan. Tanggapin nyo na lang ang katotohanan, wag nyong lokohin ang sarili nyo at ang mga tao… hehehe nakakatawa lang kayong pagmasdan.



ANG MGA MAS NAKAKABWISIT: “You are here” Sabay image na bastos. Lahat ng babaeng nakikita ang image sa t-shirt nya parang sinasabihan nya ng bastos. BAWAL YAN GAGO! Hindi sa conservative ako o umiiwas ako sa bastos, hindi! Tanga ka ba? Di mo ba alam ang pangit sa hindi? Squatter lang ang ganyan sa kalye. Napapansin ko dumarami yung mga sign na porno sa mga T-shirts. Nagsimula yun sa sign ng CR ng BABAE nakalagay sa t-shirt. It symbolizes a being Chickboy daw. Tapos lumala ng lumala, naging porno na ang mga t-shirt na itim na yan. Dapat hulihin ng mga Pulis ang mga nagsusuot ng mga ganyang t-shirt, hindi na nakakatuwa. Nakakainis pa lalo yung mga may T-Shirt na “Certified Sex Instructor” Ulol!!! Hindi porke may T-Shirt ka na ganyan gwapo ka na at maraming pumapatol sa yong magagandang babae. Tanga!!! Niloloko mo lang ang sarili mo, nakakatawa ka gago! Retarded!!! Nilalabas ninyo pagiging Squatter ninyo. Kapag may naramdaman kang bote ng distilled water na dumapo sa ulo mo habang naglalakad ka sa daan, ako na yun.

Mas marami pang bibili sa mga T-Shirt na tinitinda nyo kung walang tatak yan, imbes na mga Tribal na kalokohan at mga PEKENG tatak ng NIKE o ADDIDAS at mga pangit na artwork. Karamihan ng nagsusuot ng ganyan daw ay mga mahihirap na sa kanila cool ang dating, may mga mayayaman din at edukado ang nagsusuot ng kagaguhang t-shirt na ganyan. Mga tanga kasi sila.

Huwag ninyong ipahiya ang sarili ninyo, maging desente kayo pag nasa kalye kayo, dahil pag nakasalubong ko kayo, tangina nyo babatukan ko kayo!

Naiintindihan ko rin naman na ang iba wala lang masuot kundi yung binigay sa kanila. May mga kargador na nagsusuot ng ganyang t-shirt at wala silang pakialam sa nakasulat. Yung mga tipong manang na tindera ng isda na may nakasulat na “Sexy” sa pantalon nila kahit na matanda na sila kasi wala silang pwedeng suoting iba. Pero kaunti lang ang ganyan, karamihan mga WALANG KWENTA sa mundo talaga ang mga nagsusuot ng WALANG KWENTANG T-SHIRT. Siguro ginawa talaga yan para mas madaling ma-spot-tan kung sino ang mga GAGO.








Ayus ayusin nyo para di kayo nakakainis sa ibang tao.




Nothing happens to any man that he is not formed by nature to bear.